Thursday, August 4, 2011

Hindi ako in love, inspired ako.

I'm back! After 93856432769 days, nakapag-blog din ako. I'm sorry guys if I wasn't able to update you daily. I've been busy for a while. And since this is my back-to-back entry, I will share to all of you my love story. Kidding. I still not found my Mr. Right. I just like someone. But before that, let's have a day check (what happened to me today)
August 4, 2011
Nagising ako bandang 7:30 ng umaga pero nag-alarm ako ng 9 am. Out of nowhere bigla na lang akong nagising tapos naisip ko agad crush ko. Tulala ako ng ilang segundo, nagiisip ng kung anu-ano. Bumangon ako ng 9 am para kumaen ng breakfast, makipagkwentuhan sa parents ko, maligo at mag-ayos para sa pagpasok. 1 pm pa pasok ko, pero may general assembly organization namin kaya wala kaming class. Imbis na mag-klase kami, yun yung nagsilbing klase namin. Umalis ako sa bahay ng 11:30 am kasi magkikita kami ni Kapatid (Lara) sa Gateway. Pupunta din kasi siya sa school para i-surprise yung kaibigan ko tsaka nag-order siya ng binebenta kong watches. Ang daming kwento sakin ni Kapatid. Na-miss ko siya, ilang weeks na din kasi naming hindi nagkikita. Pagdating sa school, wala pa naman akong makakasama kaya sinamahan ko muna siya sa may eatery sa likod ng school. Andun kasi best friend niya tsaka yung mga classmates niya. Ang dami nila, HRM ata sila lahat. Nahiya ako bigla pagdating. Ang tahimik ko lang, sobra. Nakilala ko pa yung crush ni Kapatid. Gwapo, chinito ng konti tapos ang cute ngumiti. Ilang minuto nakalipas, nagkita na kami nung isa sa mga best friend ko, si Chin Kee sa may chapel. Nagpa-print kami ng homework niya tapos nag-attend na kami ng assembly sa audi. Nung uwian, tahimik lang. Mag-isa lang ako eh, walang kasabay. Kumuha ako ng orders sa supplier ko tapos umuwi din. Pag-uwi ko bonding saglit sa pamilya ko then internet na ako buong gabi. Kanina sobrang saya ko dahil sa crush ko nang biglang nag-change mood ako. Kinabahan ako bigla tapos pakiramdam ko may masamang mangyayari, na parang may nangyayari sa likod ko (backstabbing). Ang weird lang ng feeling, pero nagta-tamang hinala ako. Sobrang lakas ng instinct ko ngayon. Hanggang sa nawala na ko sa mood.
Tapos na yung today's update. Dumako na tayo sa crush ko. Sana lang hindi niya mabasa to, pero feel ko mababasa niya to kasi naka-public to. Bawal i-private. Kung pwede man, hindi ko alam kung paano.
May crush ako sa school. Minsan ko lang siya makita kasi hindi ko naman siya classmate talaga. Since last week napapasaya niya ko ng sobra. Siya yung dahilan kung bakit lagi akong kinikilig, ang cheesy ng group texts ko, status and tweets. Nung una parang wala lang, tapos ngayon crush ko na. Sobrang dami ng nangyari samin pero hindi ko masasabing siya na nga o meant to be kami kahit na napapakilig niya ako. Iba kasi yung nagpapakita ng motibo tska yung kakausapin ka lang pag tungkol sa school. Ganun kasi nangyayari samin ngayon e. Hindi ko siya makakausap kung hindi tungkol sa school. Ang dami ng nagsasabi sakin na baka may feelings siya, pero ako ayoko umasa, ayoko mag-assume kasi pakiramdam ko kaya siya ganun kasi may kailangan siya sakin o di kaya friend lang tingin niya sakin. Crush lang naman e, mawawala din to sa tamang panahon. Pero sa ngayon, siya dahilan kung bakit lagi akong masaya. Kahit hindi naging maganda yung araw ko, any part of the day na makita ko siya mabubura lahat ng kabadtripan na dinanas ko sa buong araw. Ganun kalakas impact niya sakin. Ah basta masaya ako. Hindi ako in love, inspired ako