It's the society that's getting worse. Worst na nga e sabi nung iba. Linawin ko lang ha, this is not a hate post or whatsoever. Opinion ko lang to. Sorry kung may natamaan.
Showing posts with label hate. Show all posts
Showing posts with label hate. Show all posts
Monday, May 23, 2011
Haters gonna hate. Wankers gonna wank
Nabobored na ko sa buhay ko. Sa bawat araw na ginawa ni Lord, puro internet, tv, cellphone lang inaatupag ko. Utusan man ako sa gawaing bahay ang tamad ko naman gawin o di kaya di ko mahusayan yung ginagawa ko. Hindi naman sa tamad ako, sadyang bored lang talaga ko. At minsan sa pagka-bored ko eh tinatamad na din ako. Anyway, hindi naman talaga tungkol sa katamaran sasabihin ko e. Alam niyo namang halos buong araw e laptop ko lang kaharap at kausap ko. At nagbabasa lang ako ng kung anu ano. Minsan sa mga nababasa ko e naiirita ko at napapatanong ako sa sarili ko, bakit ba kailangan ng tao magyabang? Para masabi na mayaman sila? na sosyal sila? O para may masabing may maipagmamalaki sila? Aminin ko minsan ganyan ako. Di ko man sinasabi pero pinapakita ko. Kaya nga natanong ko e, bakit kailangan natin magyabang? And so kung may iPhone ka, pake ko. E kung famous ka, and so? Edi famous ka. PERIOD. Nakakainis lang minsan, ok lang naman magyabang pero wag yung sobra sobra na. At kulang na lang e ipamukha mo sa buong mundo na meron ka ng ganung bagay o kung ano man. Oh e ano kung wala kami nun at ikaw meron? Nakakaangat ka na? For your information hindi sa possessions mo nasusukat katauhan mo, sa personalidad mo. Kung paano ka makitungo sa kapwa mo. Sabi nga ng mga matatanda, kahit na gaano ka man kayaman kung masama naman kalooban mo, hindi ka din pagpapalain ng Diyos. Ang nakakainis pa dun, minsan yung iba dinadaan na lang lahat sa pera, kahit sa pagkakaibigan. Nabibili na pala kaibigan ngayon e no. Haynako, buhay nga naman.
It's the society that's getting worse. Worst na nga e sabi nung iba. Linawin ko lang ha, this is not a hate post or whatsoever. Opinion ko lang to. Sorry kung may natamaan.
It's the society that's getting worse. Worst na nga e sabi nung iba. Linawin ko lang ha, this is not a hate post or whatsoever. Opinion ko lang to. Sorry kung may natamaan.
Subscribe to:
Posts (Atom)