Ilang linggo na lang matatapos na ang tinatawag nating mga estudyante na "bakasyon" at muli nanaman tayong sasabak sa mundo na puno ng stress, pressure at iba pa. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang bakasyon ko. Masasabi ko itong masaya dahil nakakapagpahinga ako ng maayos nang walang iniisip. Napupuntahan ko yung mga lugar na gusto kong puntahan ng walang time pressure at iba pa. Pero sa kabila ng kasiyahan na naramdaman ko, may lungkot din ako naranasan. Nawalan ako ng "mahal sa buhay" dahil mas pinili kong mamuhay muna mag-isa kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Hindi ko naman pinagsisihan ang naging desisyon ko dahil ngayon, mas naging masaya pa ako. Oo aaminin ko na may nagpapasaya sa akin, pero hindi ibig sabihin na kaya ko pinili na mawala siya sa akin ay dahil doon. Maliban sa buhay pag-ibig ko ngayong bakasyon, nagkaron din ako ng tinatawag na "buhay baboy". Narinig ko lang tong salita na to sa mga kaibigan ko na "buhay baboy" din. Nakakatawa man pakinggan pero pag ipinaliwanag ko ito sainyo, masasabi niyo ring ganun din kayo. Ito kasi yung kain, tulog, intertnet, tv, text etc. na kinagawian ng mga kabataan sa tuwing wala silang magawa pag nasa bahay sila. Couch potato kung tawagin sa ibang bansa. Siguro may iba pang tawag nito sa wikang tagalog pero para sa akin "buhay baboy" talaga ang dinaranas ko. Kasi tumataba ako e. (tawa pa) Sa pangkalahatan, masaya ang bakasyon ko. Naging productive naman ako kahit papaano. E ikaw, kumusta bakasyon mo?
No comments:
Post a Comment