- Wake up on time. Napansin ko last school year, hindi ako sumusunod sa in-alarm kong oras. Kung dati nagigising ako 2 hours before my class, ngayon I'll make it 3 hours. Kasi nawawalan na ko ng time mag-breakfast at makapag-ayos. Wag na ko makakaen ng lunch and dinner basta breakfast kakaen ako. It's the most important meal of the day! That's what boosts my energy for the day. Mapuyat man ako o hindi, I must wake up on time.
- Have a balanced diet. This summer, my diet is
horrible!I'll make sure that this school year, no more segway ng pagkain. After maglunch or merienda, no more food segways. And, I'll always bring water incase na magutom during class hours. Grabe, I'll buy new set of uniforms kasi sumisikip na yung old uniforms ko. - Save money. Okay, here I go again. Every year, I keep telling myself to save money but I still can't. Ang gastos ko kasi sa pagkain. No to wants. Yes to needs. I have my own ATM pero hindi ko malagyan ng laman. Thank God may laman pa siya kahit 80 pesos lang.
- Pay debts. As a student, unbelievable saten na magkaron ng utang. But yes, I have my own debts. (Reactions accepted.) Hindi ko mabayaran ng buo kasi hindi ako nakakapag-ipon. Nagpapakatotoo lang ako. Hindi ko naman nililista sa tubig mga utang ko no. Alam ko kung magkano at kanino ako umutang. Sadyang magastos talaga ko kaya hindi ko nababayaran. Babayaran ko din yung mga yun. At sisiguraduhin ko na hindi na ko mangungutang ulit kahit kanino ng wala ng masabe ibang tao.
- Be responsible. Pagdating sa school works, napansin ko patamad ako ng patamad. Hindi ko nagagawa at napapasa ng maayos yung mga dapat kong ipasa. Minsan hindi na nga ako nakakapagaral dahil sa sobrang antukin ko kasi kulang ako sa tulog. Tendency nun e bumababa grades ko. From 1.25 na general average ko naging 2.15 na ngayon. Mantakin mo yun. Hindi ko pinagmamayabang grades ko, sinasabi ko lang kung gaano kalaki ibinaba nito dahil sa kawalan ko ng disiplina sa sarili at irresponsibility ko. Minsan "come what may" attitude pa ko. Mas inuuna ko pa lakwatcha, date, inuman o kung ano man kahit na alam kong may kailangan akong gawin at tapusin o di kaya may exam ako kinabukasan.
These are my top 5 priorities. I mean, top 5 sa listahan ko na dapat kong baguhin sa sarili ko. Mga major major ito. Yung iba minor na. Like yung pagpapaayos ng laptop ko, pagbili ko ng mga luho ko. Ayoko na din kasi i-asa sa mga magulang ko yung mga luho ko. Tinuturuan ko na din sarili ko maging mas independent kasi dalawang taon na lang graduate na ko. (Graduate nga ba?) At magtatrabaho na ko, mamumuhay na ko mag-isa. Kailangan ko ng matuto buhayin sarili ko mag-isa. Not by means of working while studying. Kahit sa pagiipon man lang para mabayaran mga utang at mabili ang mga luho. And hello, 19 na ko. Tumatanda na ko, hindi bumabata. Kailangan na maging matured ang pagiisip. I will make this school year different from the past 2 school years. I will make the most out of it.
No comments:
Post a Comment